monolitohiya

sa pasigang ito’y abot tanaw ang lupaing
hinog ang mga koral, kumukutitab ang tabsing
at sumasagitsit ang mga iliw.
humahampiyas ang mga alon sa ibayo
(na nagsasabing “halika, halika dito”)
nakabulid sa lambat ang buntis na tambacol
at nakita ko:
nanunulay ang mga plankton
sa ibabaw ng asin
pumupusag ang dolpina’t
balyena ang naghaharing pating.
paano kaya sila nabubusog?
bumibintog din kaya ang kanilang hangarin
lumangoy palayo sa batuhang kwartel?
yungyong sa aking paanan ang aliw-iw ng pagnanais
gayong isinulat na sa tubig
ang ganitong palaisipan ng pagsisid:
matalinghaga ang mga ilaw ng marinduque.
mala-alpombra ang mga marmol ng romblon.

(napadpad kaya ako dito upang sila’y akin lamang tanawin?)

sa hangaring lumayo…

2 Comments (+add yours?)

  1. fatima
    Nov 08, 2010 @ 14:05:02

    ang ganda naman ng website 😀 makabuluhan ang tula.. pwede ka na:Dmore power kuya by. AJA!:D

    Reply

  2. likhaangsining
    Nov 09, 2010 @ 05:33:08

    Thanks Fatima…try laang ito. haha! :))

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: