pagtakas

ipugong natin ang ilang damit:
mag-aalsa balutan tayo
palayo, sa alikabok ng sanlinggo
mamamahinga nang kapural
sa nitso ng ilang araw.

tadtad tayo ng bala,
duguan ang ating mga palad
sa kapipisil ng gatilyo
habang naghahanap ng kaaway.

yumuyukod tayo
sa kapangyarihan ng oras
at kahit inihinang
ang ating katawan
tinatablan pa rin tayo
ngunit hindi sila namamatay.

lungangi ang ating laman
balisawsaw ang ating lakas
tumatagas ang dugo
sa malansang lansanga’t
bolebard ng kahungkagan.

walang tiyak na pangalan ang ganitong paseo.
walang nagwawagi sa digmaang tulisan
ang sariling anino.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: