Sa Hapag ng Pag-iisa

almusal ngayong umaga

ang dighay ng himutok

kagabi lamang, at halos

napanis ito nang sab’wan

ng lungkot. inihaw ko nga

ang liyempo ng ginaw

yakap sa akin ang dilim

dahil wala akong kaulayaw

maliban sa dag-im

hanggang isa-isang mahulog

ang mga kristal sa mata

hindi ako makahuma’t

hindi rin makapanaig

sa alingasaw ng panis na pag-ibig

magtatanghali’y tulala ako

gutom pa rin ang puso

dito sa hapag ng pag-iisa

titirik man ang katanghalia’y

mamumuo na namang muli

mga muta sa mata.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: