liga sa tag-araw

Nagdiriwang silang mga balyador:

simbilis ng kidlat nilang iniiwan ang mga kababag

at matikas na tinutupad sa ruweda ng palakasan

ang batas ng pagbubuslo para sa tagumpay.

umaasta silang tila propesyunal

bagitong umiibig sa palakasan;

sinusupalpal nila ang mga kaagaw

hahayaang matalisod sa pagka-inip

hanggang manlupaypay sa pagod, matisod

matingkalang sa palanadong play

na ‘di mahulaan ninuman – kahit natin

na nakikisimpat’ya sa kanilang kasikatan.

idolo natin sila, hindi dahil sa kanilang pangalan

anino sila ng ating liga’t estratehiya

man-to-man, larong tao sa tao

at inihahakang ang tagumpay sa larong ito

ay wala sa gilas o bilis ng agwanta

ipinauubaya ang kaliksihan o galing

sa napiling kamanlalaro saka isasapuso

ako ang lakas mo, habang ikaw ang lakas ko”

at sinisigurong pasan natin ang isa’t isa

kaya tayo nananalo.

ngunit kung sa pagtatapos ng larong ito

masilat ang pinagpagurang plano

na maibubuslo ang tiwala

uuwi tayong luhaan,

gaya ng talunang gladyador

at pananabikang mabingi minsan

upang ‘di na makulili

sa dagundong ng mga kantiyaw

sa ganitong liga sa tag-araw.

-28 May 2010

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: