pakikipagtuos

iniisip ko

sa ganitong mga sandali

kung may makapagpapalumanay

sa pamamagispis ng mga paruparo

sa aking bituka.

nandoon lagi sila

nagpapa-alimbukay ng balisa

tuwing magpaplano ako ng mga pagsugod.

sa ganitong pakikipagtuos

naagkakahitsura ang tapang

na nahahablot mula kay Adan

nasusugba ang tinitipong tapang

kapag kaharap na

mata sa mata

ang pinaghahandaan.

kaya kagaya ng madiskarteng sundalo

dahan-dahan kitang paiikutan

babarikadahan

tula’t bulaklak

sa una’t hulihan

pagkatapos, isa-isa kong papaslangin

ang mga diyablong nagbabantay.

sa kahit paanong paraan

titiyakin ko ang pagkubkob sa iyong teritoryo

magbabaka-sakaling sa pagpapatagu-tago

sa mga pader ng nerbiyos

matutunton ko ang tamang lagusan.

dito:

tatapusin ko na ang laban.

-pag-alala sa unang araw ng aking pagkakasumpong sa aking asawang si Angie. ang unang araw na iyon ay kaarawan nito ngayon.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: