Tulala

 

almusal ngayong umaga
ang dighay ng himutok
kagabi lamang, at halos
napanis ito nang sab’wan
ng lungkot. ininat ko nga
ang braso ng ligamlam
yakap sa akin ng dilim
at wala akong mayakap
isa man maliban sa dag-im
hanggang isa-isang mahulog
ang mga kristal sa mata.
hindi ako makahuma
(ayaw nila akong dinggin)
hindi ako makadilat
(ayaw nila akong gumising)
hindi ako makapanaig
(ayaw nila akong kalapit).

magtatanghali’y tulala ako
sa daigdig ng pag-iisa
namumuo na namang muli
mga muta sa mata.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: