ang makinarya ng pagtula

~ah ang makata’y manggagawa rin~

John Bello

bingi tayo sa katahimikang hinihiling sa kalagitnaan ng pagdildil

hanggang hindi kumakapal ang kalyo sa palad, kamay, utak

at iniisip nating pagkatapos ng galit ng mga makinarya

uuwi tayong may pasalubong sa anak na salitang kinatha

sa tinta ng pawis, grasa at langis, saka kinikinis nitong palad

ang papel na lukbutang kamukha ng nilamutak na damit

pansit na mahaba ang hain sa hapag kainang surot ang kaagaw

langaw ang umaawit gayong walang tinidor na pambugaw

isisigaw kong ang taraktak ng makina at pasalubong sa asawa

ay isa ng tulang sinipi sa marubdob na paggawa.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: