kung kailan tayo dapat naiidlip

pinananabikan natin ang paghimlay
ngunit hindi natin hinihiling ang pagdalaw
nitong kadiliman sa talukap ng ating balintataw:
ang pag-idlip ay hindi pa panahon.
namumulot pa tayo ng sinsin-sinsing mga butil
itatanim pagkatapos sa pagitan ng sakahan
ng kamalayang lalago ito, magbubunga
pipitasin at ipamamahagi sa mga agora ng gutom,
inggit, kahungkagang mapapalaya lamang
kapag dinalaw na tayo ng dapithapon
ngunit tinawag ka ng balisang kusang namalagi
niyakap ka nang dagli’t hindi ka pinakawalan
hanggang sumabog sa hapag ang pinulot mong butil
na hindi pa naitatanim at naghihintay ng dilig.
Huwag muna, sabi ko lang
singkad pa ang araw at malayo pa ang pag-idlip
ngunit pinanabikang kusa nitong araw
ang paglubog sa talukap ng iyong balintataw:
iniwan mo ang kalupaang uhaw pa sa tubig
na ikaw lamang, kasama, ang makapagdidilig.

hilaw pa, hilaw pa ang luntiang paligid.

[hayaan mong pulutin namin ang mga butil
na ikaw ang pumulot, saka namin itatanim
sa lungkot ng pananabik.]

~parehong inialay ang tulang ito sa dalawang kasamang inagaw sa daigdig na ito sa magkasunod na araw: Alexander Martin Remolino, at Prof. Manny Recarro.~

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: