Mga Tilamsik ng Pulasi at Danaw

Labsaw ngayon ang mga danaw at pulasi

at tirahan na yata ng mga kalabaw ang mga kalyeng

papasok sa puso mo, Tayuman

 

katanghalian kanina humughog ang ulang

ilang oras ininda ng mga bato

hinidas ng kanyang alon ang pitak

at lumikha ng sariling baybayin, patabi sa bambang

saka sumuksok sa mga aluk-ok ng kaparangan

ang pinagpaspasang uhot ng palay

 

hindi maidura ng delta ang banuot at palapa

hanggang ang huling nakatindig na bato

ay nilunod na rin ng pulasi at danaw

 

ngunit, ay ang magtampisaw ang mga paa’t

makipagharutan sa hagulhol ng patak-

ulan ay kat’waan naming mga lumaki sa linang

na nanghihinuyo sa kumpul-kumpol na mga ulap

kulog at kidlat: basagin n’yo ang katahimikan

nitong kalangita’t iluwa ang laway ng awa

hanggang sa kasunod na sikat ng araw

na tuyong magtatalik sa bambang

ang mga palapa at uhot ng palay

 

kikirot ang aming likod sa pagyakyak sa kaparangan

at mabubusog muli ang pangarap na may maisisiksik

araw-araw sa aming tiyan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: