Pukpukan

~saluma sa pagbubunyi ng Pilipinas sa ikawalong titulo ni Manny Pacquiao kasabay ng pukpukan sa pagitan ng mga rebelde’t sundalo sa aming bayan, ngayong araw~

pinatulog mo sana ako Pacman

at hindi si Margarito ang pinagdiskitahan

nakukulili ako sa hiyawan

nabibingi ako sa dagundong

ng daing, sargo ng katawan

namamanhid ako sa palahaw

kapag naiimadyin ko ang mga salakay

at kontra-putok ng tigkabilaang

naglalaban upang kubkubin

ang titulong magpapatulog sa akin

kahit ngayong gabi lamang.

may nagsabi ba ulit na nagsasaya ang mundo

kapag may laban ang pambansang kamao

samantalang pinitpit ng mga basyo’t punglo

ang kalupaan ng aking bayan?

pinatulog mo sana, Pacman

ang araw na ito.

Pinahimbing mo sana, kamao

ang dilat na magdamag

at magkahawak-kamay na pinagbubunyi ka

ng rebelde’t sundalo

na nagpupukpukan

ngayon lamang.

kampeyon ang mga langaw sa linang

at magpupustahan ang mga bayawak

sa ilang kilong sumabog na laman

ngayon lamang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: