Mag-Asawang Kalyo at Pawis

 

Namukhaan ko agad ang babaeng naglalako ng isda pagtapat sa bahay.  Sakay siya ng padyak na minamaneho ng lalaking kilala ko rin.

 

Siya si Mileth, at ang lalaki’y si Odyong, mga estudyante ko sa hayskul.  Magkaklase sila at magboypren simula pa ng first year.  Pagka-graduate, nagtanan ang dalawa.

 

Apat na taon na iyon.  Sintanda ng batang kasama nila sa padyak.

 

Maluwang ang ngiti sa akin ng mag-asawa kahit nanggigitata sa pawis ang katawan dahil sa nagmumurang katanghalian.  Agad umawas si Odyong at kumamay sa akin. Nangumusta.  Ipinakilala sa akin ang anak sa pagitan ng mga hingal.

 

“Magiging engineer po ako, paglaki!”, yabang ng bata sa akin.

 

Alam ko.  Alam ko.  Dahil nahipo ko ang matiising kalyo sa kamay ng kanyang ama.  Alam ko, dahil kaysigla ng nangingintab na pawis sa noo ng kanyang ina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: