Isang Oras sa Labas ng Bahay Ngayong Araw ng Linggo

-sentro ng homliya: “Ang Sampung Ketongin”

-buod ng homiliya: “Gratitude is a mark of a noble man, and asking for forgiveness is nobility”

 

Ang kwento ng isang oras:

 

~pagkatapos ng misa, nakasalubong ko si Ginoong pulitiko na nagsimba rin pala, nginitian ko siya (at kitang-kita niya ang aking malambing na ngiti) ngunit hinding-hindi siya gumanti ng ngiti. naitanong ko tuloy, nagsimba s’ya, nagsimba ako, pareho kaming katoliko, bakit blanko ang kanyang reaksyon sa aking pagbating-ngiti? dahil ba kapitbahay at kaibigan ko ang dating Kapitan ng barangay at magkalaban sila sa pulitika? hindi naman ako namumulitika ah? tsk? nalungkot ako….

 

~sakay na kami ng sidecar, napadaan sa magandang bahay…nakatayo sa terasa ang may-ari, nakatingin sa akin at malisyoso ang pagkakangisi na parang gustong sabihin (P’re, kita mo ‘tong bahay na ‘to? Akin ‘to…hehe!).  nainggit ako dahil wala (pa) kaming ganoon kagandang bahay.Tsk…nalungkot ako…

 

~nalungkot ako, dahil katatapos laang namin sa pakikinig ng misa at kalalabas laang ng simbahan, sinubok na agad ang pisi ko. muntik na itong mapatid at magdala ng galit…pero mabuti, insistent si Father Rey sa kanyang tema at nakapagbabasa ako ng kaunti at may ilang pinaniniwalaang kaunti:

 

Sa kwento ng magandang bahay at ng may-ari nito: LET THE MAN BE AN ACCESSORY TO THE HOUSE, NOT THE HOUSE TO THE MAN. (Hayaang maging palamuti ang tao sa kaniyang bahay, at hindi ang bahay sa kaniyang katauhan)

 

SALAMAT, mas tao pala ako kaysa sa kanya…nasabi ko laang. wala nga akong magandang bahay, pero tao naman ako…salamat…mas tao pala ako…(base sa homiliya, ang pagpapasalamat ay tanda ng pagiging mapagpakumbaba…palagay ko, natupad sa akin ang isang bahagi ng homiliya)

 

Sa kwento ng pulitikong blanko ang reaksyon sa aking pagbating-ngiti:POLITICS IS AN ART OF GOOD GOVERNANCE (nabasa ko rin laang ito).  Naisip ko dapat siguro siyang unawain, dahil alam n’ya kung paano mamulitika, pero hindi niya alam ang esensya ng pulitika.  kahit paano, naiintindihan ko kahit kaunti ang pulitika pero hindi ako kailanman naging pulitiko (salamat April sa iyong paliwanag tungkol dito).  patawarin ako sa kawalan ng pakikialam upang maipaliwanag sa aking kapaligiran ang ibig sabihin ng pulitika.

 

nais kong magpakumbaba, at maging mas mababa pa.

 

ayaw ko nang magkaroon ng magandang bahay kung hindi ako tatawaging tao, kung aksesorya lamang ang bahay na ito sa aking pagkatao.

 

ayaw kong maging pulitiko, kung hindi ko maisagawa ang esensya ng pulitika.

 

ayaw kong maibilang sa Siyam na Ketongin….

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: