AMBISYOSO


nagkukumahog ang lintik na
daliri’t isang dipang palad
makikisagupa sa sampalan
ng mga titik ng pag-ibig, obra
diona,dalit, balagtasan, idyoma
kahit ano pa, basta lumilipad
pumapagispis sa dibdib
kiliti sa iniibig (o kanino pa)
kahit hindi iniimik
susuungin ko ang paghahaka
saka sasakyan ang walis
na pumalis ng pangamba
na isa akong hampas lupa
sa pagsulat ng tula.

Leave a comment