Tatlong Sunud-Sunod na Tawag sa Alanganing Oras at Buntis na Sila sa 15 hanggang 17

alas-tres ng madaling araw ang unang tawag.

 

-Sir, problema.  May laman ho.

 

alas-siete ng umaga ang ikalawa.

 

-Buntis ako, kuya.

 

alas-nuwebe ang ikatlo.

 

-‘di ko alam, SIr, ‘di ko alam.  Basta ‘di na ‘ko dinatnan…

 

Tatlong tawag sa alanganing oras.  Tatlong tawag ng 15, 16, 17, at buntis na silang tatlo.  Hindi akin ‘yung mga butiki sa loob ng kanilang tiyan, shock absorber lang ako.  Tagapakinig at iyakang-dibdib.

 

Hindi na ako nagtaka.  Ilang taon man na maghapon ko silang pinangaralan at binantayan, nakalimutan kong may gabi nga pala.  At ang 15-16-17 ay nagiging matandang tao pag dumating ang gabi.  Pag gabi, tulog na ang matatandang tao, at hindi na nakikita ang paglalaro ng mga kabataang nagmimistulang “matandang tao”.

 

pagkatapos ng “pagkamatanda”, hindi na sila kailanman magiging bata.

 

Leave a comment