Ikaw

hawakan mo itong pagmamahal

mariin, at hayaan mong dalhin kita

pumasyal sa mga papawirin

bahagharing makulay

gamit itong pilak na pakpak

dibdib na ginintuang

inihaharap sa daigdig

(ipinagmamalaki kong ito ako)

tumutuka ng butil ng pag-ibig

upang sana’y dalhin sa pugad

na ang pangalan ay

ikaw.

Leave a comment