Ang Komedya (at Turok) sa Kamatayan ni Hermano Pule

Aruy! Ginilit na ang kanan! Ahihihihi! Makiliti! Tayka, buhay pa ako!  O, kaliwa naman? Tsak! Naks, tagas ang dugo ah!

 

-Weps, weps, hita naman! Tayka, tayka…barilin muna kaya ako…maantak-antak ‘yaang pag-gitgit sa salakangan, ma-laman jaan!

 

-Har-har-har! Makilitiiiii! Ahihihihihi! O, putol!  Kaliwang hita naman? Tayka…nasaan na ‘yung kanan? Aysus, nasa kawayan na pala!  Ay ‘yung mga braso ko? Aysus, nasa kawayan na rin…tuhog na!

 

-Ay, uy, ay! Ahihihihi! Parang ina-brotsa sa singit! Yanong kiliti! Ahihihihi! Uy, sundalong kastilaloy, yan bagang sable mo ay bagong hasa?  Aruuuu, sarap!  Ayan…ayaaan! Putol na rin ang kaliwa!  Sa’n mo ilalagay?  Sa kawayan din?  Bugawan n’yo ng langaw ha?  Baka ma-impek…

 

-Tayka, nakakalas ang gapos ko! Itali n’yo kaya ulit ako.  Naus-os areng kataw-an, putol na ang mga pinagtalian, wala ng paghawilan!

 

-O, kabayan..bakit may dala kang sundang?  Pati ga ikaw, makiki-hiwa din?  Saan naman, sa liig? Mamaya, mamaya! Pasilip muna sa kapatiran!  asus mar’ya, patay na pala ang cofradia!  Ay hala, liig ko’y gitgitin mo na, at ako’y matingala pa!  Wala na ay, wala na sila!  Akong si Puli ay limot na!

 

-Nakakahihihihihi…nakakahihihihihi…!

 

(pasaring laang sa ilang kababayang Quezonian…at iba pang kababayan….ahihihihihi!)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: